Diskarte - Pure Instinct
Oh kay tagal na kitang pinagmamasdan
Bawa't kilos mo'y aking pinag aaralan
Nag iisip ng kung anu anong paraan
Upang mapalapit sa iyo at maging isang kaibigan
Lumipas ang isang buwan at tayo'y naging magkaibigan
Lahat ng sikreto mo'y iyong pinapaalam
Oh kay lapit natin sa isa't isa
Ngunit dinadaga na ako baka ito'y iyong ibalewala
Ako ako'y naghihintay ng tamang panahon
Ng tamang paraan
Tamang diskarte
Sayang sayang lang naman
Kung di mo ito malalaman
Naghihintay na lamang ng
Tamang diskarte
Dinadalangin ko sana'y ikaw na nga
Ang makasama ko ngayon at magpakailanman
Hindi sinasadyang mahulog ang damdamin ko sa'yo
Tuwa't saya ang dulot mo sinta
Sa tuwing tayo'y magkasama
Ako ako'y naghihintay ng tamang panahon
Ng tamang paraan
Tamang diskarte
Sayang sayang lang naman
Kung di mo ito malalaman
Ako ako'y naghihintay ng tamang panahon
Ng tamang paraan
Tamang diskarte
Sayang sayang lang naman
Kung di mo ito malalaman
Naghihintay na lamang ng
Tamang diskarte