Kapantay ay Langit - Pilita Corrales
Mahal kita
Kapantay ay langit sinta
At lagi kong dasal sa maykapal
Ang lumigaya ka
Kahit ngayon mayroon ka nang ibang mahal
Hinding hindi pa rin ako magdaramdam
Ngunit sinta sakaling paluhain ka
Magbalik ka lamang
Naghihintay puso ko't kaluluwa
Pag ibig ko kapantay ay langit hirang
Hindi magbabago kailan pa man
Ngunit sinta sakaling paluhain ka
Magbalik ka lamang
Naghihintay puso ko't kaluluwa
Pag ibig ko kapantay ay langit hirang
Hindi magbabago kailan pa man
本站部份资料来自网络或由网友提供,如有问题请速与我们联系,我们将立即处理!
版权所有©四级英语单词 网站地图 陇ICP备2023000160号-4
免责声明:本站非营利性站点,以方便网友为主,仅供学习。