Kung ako'y mag-aasawa - ASIN
Kung akoy magaasawa
Ganda ng puso ang ibig ko
At akoy handa sa hirap maging tuyo man ang ulam ko
Ibig ko'y mapagpatawad kahit kung minsa'y mali ako
Di ko ibig ang seloso gabit araw nanggugulo
Ang ibig ko sa lalaki ay laging mapagmahal
Ayaw ko swa barumbado na agad nambubuntal
Ibig ko ay karinyoso at laging romantiko
Yan ba'y kaya mong idulot saking puso sabihn mo
Ay daig ay 'yong pangarap kung ang pag ibig ang nais mo
Gigiliwin kang parati sa bawat oras o buhay ko
Susuyuin ka sa twina lalo't ikaw ay nagtatampo
At ano man ang 'yong utos ay buong pusong susundin ko
Papaypayan kita giliw bubugawan ng lamok
Susubuan sa pagkain di tuyo kundi manok
Maghapon kang aawitan at di ka malulungkot
Kung gabiy ipaghehele na parang beybing inaantok
Kung nagmamahal ang puso
Ay maramdamin kaylan pa man
Yan ang dapat mong malaman
At wag limutin ngayon pa lang
Ang ibig ko sa asawa ay ako lamang and titingnan
Ayaw ko pag may babae na masalubong susulyapan
Bakit ba ibang babae ang hahanapin upang tignan
Kung ang kariktan mo giliw ang
Laging gustong ibig masdan
Pipikit ako sa kalye habang kita ay namamasyal
Kahit na akoy mahulog sa bawat butas ng imburnal
Kung akoy mag aasawa ikaw na giliw ang ibig ko
Na maging kabiyak ng puso sa bawat araw ng buhay ko
Sa gayo'y anong ligaya ang daranasin sa piling mo
Kung ito pag aasawa maging mapalad dahil sa yo
Manalig ka o giliw ko
Manalig ka o giliw ko