Mahawi Man Ang Ulap - Nonoy Zuniga
Mahawi man ang ulap
Di ko matitiyak
Kung may mga labing mukhang
Ka pang matatanaw
At sa umaga't hapon ba'y
May araw ng sisikat
Sa gabi naman kaya'y
May talang kikislap
Habang sinasariwa
Dati mong mga pangarap
Sundan ang bahaghari
Sa kanyang hangganan
Baka doo'y sakali
Ulap mo'y magpaalam
Ang pag napawi na'ng
Sanhi ng kapanglawan
Muling buksan ang pusong
Bihag ng karimlan
Kayanin mong limutin
Luha ng nagdaan
Ba't mo pa iisipin
Ang dating sumpaan
'Sanlibo't 'sang kasawian
Pasan mo habangbuhay
Kung di mo ngingitian
Dinanas na lumbay
Ulan ay mahahawi
Kahit na paminsan minsan
Sundan ang bahaghari
Sa kanyang hangganan
Baka doo'y sakali
Ulap mo'y magpaalam
Ang pag napawi na'ng
Sanhi ng kapanglawan
Muling buksan ang puso
Muling sundan ang araw
Hawiin mo ang ulap ngayon
Mahawi Man Ang Ulap - Sharon CunetaMahawi man ang ulapDi ko matitiyakKung laging mayroong bughawKa pang matatanawAt sa umaga t hapon ba yMay araw bang sisi...