文章

Nais Ko - Basil Valdez-歌词_1

Nais Ko - Basil Valdez

Nais kong maihip ng hanging walang

Patutung'han

Parang ibong wala ring hangarin

Kundi ang

Lumipad nang lumipad

Nais kong lumipad

Nais ko ring maagos ng alon saan man

Mapadpad

Kahit na isdang mumuntiin

Hangari'y

Lumangoy nang lumangoy

Nais kong lumangoy

Nais kong malibot ang mundo

Sa kanyang kasuluk sulukan

Nais kong makita ang paligid

Kong puno ng kagandahan

Nais kong makadama ng kakaibang

Damdamin kahit minsan man lang

Habang ako ay may buhay

Wala nang hangarin pang tunay

Nais ko

Nais ko

Nais kong maulit ang buhay

Kung may pagkakataon

Upang mamalas

Ang mga bagay bagay na 'di ko

Natanto sa aking buhay

Nais kong maulit pa

Ulit ulitin pa ang buhay ko

Nais kong maihip ng hanging walang

Patutung'han

Parang ibong wala ring hangarin

Kundi ang

Lumipad nang lumipad

Nais kong lumipad

Nais kong malibot ang mundo

Sa kanyang kasuluk sulukan

Nais kong makita ang paligid

Kong puno ng kagandahan

Nais kong makadama ng kakaibang

Damdamin kahit minsan man lang

Habang ako ay may buhay

Wala nang hangarin pang tunay

Nais ko

Nais ko

Nais kong maulit ang buhay

Kung may pagkakataon

Upang mamalas

Ang mga bagay bagay na 'di ko

Natanto sa aking buhay

Nais kong maulit pa

Ulit ulitin pa ang buhay ko

Nais kong

Nais kong mabuhay muli

Nais kong

Nais kong maulit muli

Ulitin muli ulitin muli

Paulit ulit ulit muli

Paulit ulit ulit muli

Ito ang nais ko ohh

Nais ko ohh

版权所有©四级英语单词   网站地图 陇ICP备2023000160号-4