Sunggab (握力) - KJAH
Written by:Daniel Jade "KJAH" Dionisio
Sa braso ko ay nakabakat marka ng pagkakabitak
Naninigas na ugat tanda ng binubuhat na mabigat
Magmalaki ka sa aking harap may dagok ka na matatanggap
Sinasanay mo pa lang humawak bihasa na ko sa pag sunggab
Padausdos na kambyo sa tersera paspasang pag sugod sa gyera
Gumagalaw maski dilim ang mata'y nag aalab na parang gasera
Pinatawan ng sintensya isang linggo ang nakalipas
Inagawan ng pwesto ang mahistrado
Bawat hatol ay aking pinilas
Nasa kamay ng dukha ang batas
Hindi sa nagmamatigas handang mamatay
Walang pag aari mag isang nilulutas
Katarungan hindi matulungan walang pabuya
Walang pakinabang kikitil ng walang alinlangan
Huwad na alagad ay sasagasaan
Sasagabal ay sasamain sa hangin umaatake di kayang salingin
Paano ngangaratan ni hindi nakatingin
Subalit naka alerto sa iyong pag dating
Simulan mo ng magsulat mas mahapdi ang tama kesa sa itak
Pag buka ko ng bibig ang apoy rumatrat
Mala bala ang ragasa nasa aking pag talak
Kasing gaspang ng espalto tantsado ang galaw mo kabisado
Asal bastardo panggagantso'y memoryado maligayang bati
Sa sumasamba sa santo ang umaasa sa biyaya paulanan mo ng asido
Baldado syang humamon kalagayan ay delikado nangahas makapuntos
Ang tira'y binutata ko
Planong kontaminado pano mo matatalo ang doble karang
Mayroong dalawang mandirigmang pagkatao
Tinalupan ng semento hinaluan ng kongkreto
Pinagtibay ng lamig at init ang aking rebulto
Ang aking sinasabiy hindi nakikita sa mata sa puso natatagpuan
Awitin ko ang nagdala
Huwag kang maingay pag may nagsasalitang hindi mo pa kakilala
Baka sakaling nasa dalahin niya ang natatangi mong pag asa
Pananahimik at pakikinig ang pinaka mabisa mong sandata
Sa oras na ikay magsalita sa binibitawan mo'y di makapaniwala
Ang dating naglulubog sayo pilit sumasabit sa iyong pag ahon
Tila nakalimutan na kung paano ka hinatak pababa kahapon
Kinilala ka nang mag laon dati di inaasahan yumabong
Katunayang huwag mang husga kung hindi rin lang ikaw ang nagpapalamon
Mga nananadyang mang ipit sila ang umaani ng pasakit
Ilang beses na kitang binalaang bawas bawasan ang panlalait
O pangangarera patungo sa unahan manguna ka lang di dalawang isip mang gulang
Malay natin sa paghuhukom ang pipiliin ay ang nasa hulihan
Isa din ako sa namimintas pero may angkop na limitasyon
Minsan ang pananalamin ang aking bitamina para lang may maidugtong
Pinapansin 'di upang ipahiya sinusubok kong itama ang mali
Bago dumating ang huling sandali kaya ako nagmamadali