文章

KJAH-歌词

Kawal (监管) - BLKD & UMPH/KJAH

Written by:Allen Jordan Metrio/UMPH

Kawal ng kultura

Alagad ng sining

Alagad ng sining

Kawal ng kultura

Alagad ng sining

Alagad ng sining

Kawal ng kultura

Alagad ng sining

Alagad ng sining

Kawal ng kultura

Alagad ng sining

Kawal alagad

Ng malaya at mapagpalayang pamamahayag

Mga gabay sa paglalayag ng mga sa larangan ay lagalag

Sumasalag pumapalag upang umalagwa sa pagkakabaon

Sa libog sa katawan yaman dahas at bisyo ng lumang panahon

Hwag malinlang sa gunita

Ng aming kabutihang loob

Bagama't kalma bulka'y marunong pumutok

Matibay ang paninindigan hindi mapapaluhod

'Di makakalusot katwirang bulok sa 'ming mga makatang hubog

Sa digmaan ng bigkasan at digmaan sa lansangan

Ang kargada'y nagbabagang abakada ng paglaban

Mga bara

Mala bala bawat tama pantama ng mali

Tatamaan ang lahat ng magkakamaling magtanggol ng maling gawi

Ambisyon mo ang manguna

Nang nakaupo lang

Hampasin nga kita ng bangko sabay tasa

Sa nabali at gawin kong panulat

O isaksak ko sa lalamunan

Tiyak bigla kang magugulat

Walang patak ng dugong lalabas tanging tatagas ay laman ng pluma

Ito ang dahilan ba't kami sinilang

Sining na maglilinlang

Sa mga pansarili mong adhikain bumabaling sa atensyon pinansin ng karamihan

Inaalok ng mabilisang pabuya

'Di na kailangang maghabol

Pero hangga't may tulad mong naliligaw

Mas pipiliin kong magtanggol

Ngunit kinatataka ko ba't sama ng iyong titig

Daig mo pa aking magulang 'di ako mapilit

Pilit kumaibigan ng sakristan nang magbago

Ihip isip ko'y mawala sa paggawa ng pangit

Bakit bakit bakit

Mo ginising ang natutulog kong kasamaan

Para 'di mahalata ay aking dinaan ang pagpatay sa pandiwang makabuluhan

Atin lang

Apat na letrang may tangan ng apat na milyong ulit ng bangis

Hindi

Nakuntento sa panaginip sinabuhay ko imbis

Ipagpatuloy ang pagtulog

Sumagasa ako sa mga panganib

Nag iwan ng bakas sa mga nais makabawi sabay harang ng balakid

Ganid at gahaman

Tinatapakan

Batang tubigan sanay maputikan

Bagama't puro utak at puso kapag naabuso handang madungisan

Kaya

Huwag nang magtangka pang sumagot nang pabalang

Matamis mang magsalita

Matalim ang dila ng sikmurang halang

Magwawakas na rin ang pagdadalamhati

Sa pamamagitan ng tula namin ang iyong ngiti

Minsan ka na lang makarinig ng walang halong landi

Tipong mapapatayo ka kahit sugatan ang binti

Aming minimithi

Na maging binhi ng pagbabago

Sa mga isip na piliti

Sinasarado aming titik ang magsisilbing

Bakal na maso pampalaya sa sinisikil

Pare ituring mo kaming tumatapik

Sa mga nagdedeliryong dapat naghahasik

Nanlalamig

Aming sinasampal upang magising isip na ngawit

Di makapaniwala sa kung pano kami bumirit

Ang mga 'di sumangayon

Ay nagkakandirit

Mga tunay na kawal ng kultura muling nagbabalik

Nagbabalik nagbabalik nagbabalik nagbabalik

  • 《NaShow (나쑈)-歌词》

    환청 - 张才人 (장재인)/NaShow (나쑈) 词: Mafly/나쑈 曲:ZigZagNote 编曲:ZigZagNote 내 안에 숨은 것들이 말이야我内心中隐藏的东西날 참 많이 변하게 했잖아让我彻底改变...

  • 《제이환 (J-Hwan)-歌词》

    행복한 사람 - 기태영 (奇太映)/제이환 (J-Hwan) 词:Ki Taeyoung/Seo Yisung/Park Yoonsu/J-hwan 曲:Seo Yisung 기억이 내 기억이 또 사랑이 내 사랑이,记忆 我的记忆 爱情 我的爱情햇살 가득한 오후...

  • 《엔느-歌词》

    행복한 사람 (Inst.) - Mighty Mouth/엔느 너와 나 둘이서 함께라면你和我两个一起的话그것만으로도 충분해仅是那些也觉得充分랄랄랄랄라 아주 긴(긴) 기다림의 끝에在长期等待的尽头만난 잃어버렸던 설레임相...

  • 《이제훈 (李济勋)-歌词》

    행복을 주는 사람 - 한석규 (韩石圭)/이제훈 (李济勋) 내가 가는 길이 험하고 멀지라도即使我走的路艰难而遥远그대 함께 간다면 좋겠네如能有你相伴就好了우리 가는 길에 아침 햇살 비치면如果早晨的阳光映照着我们走的路행복하다고 말해 주겠네我会告诉你...

  • 《세신-歌词》

    팔도 유람 가세 (游览全国各地) - 장숙정 (张淑静)/세신팔도유람 둘이서 간다그대의 손을 잡고여행을 간다면어디든 못 떠나겠소당신이 원한다면무작정 가겠소비가 온대도눈이 온대도백두산도 한라산도땅끝까지라 해도돈 없어도 걸...

版权所有©四级英语单词   网站地图 陇ICP备2023000160号-4