Ang Panginoon Ang Aking Pastol - Noel Cabangon (诺埃尔·卡邦贡)
Ang Panginoon ang aking pastol
Pinagiginhawa akong lubos
Handog niyang himlaya’y sariwang pastulan
Ang pahingaan ko’y payapang batisan
Hatid sa kalul’wa ay kaginhawahan
Sa tumpak na landas Siya ang patnubay
Ang Panginoon ang aking pastol
Pinagiginhawa akong lubos
Madilim na lambak man ang tatahakin ko
Wala aking sindak Siya’y kasama ko
Ang hawak niyang tungkod ang siyang gabay ko
Tangan niyang pamalo sigla’t tanggulan ko
Ang Panginoon ang aking pastol