文章

Bituing Walang Ningning - Sharon Cuneta-歌词

Bituing Walang Ningning - Sharon Cuneta

Kung minsan ang pangarap

Habambuhay itong hinahanap

Bakit nga ba nakapagtataka

Pag ito ay nakamtan mo na

Bakit may kulang pa

Mga bituin aking narating

Ngunit langit ko pa rin ang iyong piling

Kapag tayong dalawa'y naging isa

Kahit na ilang laksang bituin

Di kayang pantayan ating ningning

Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal

Hayaang matakpan ang kinang na di magtatagal

Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning

Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin

Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal

Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay

Sa piling mo ngayon ako'y bituing walang ningning

Nagkukubli sa liwanag ng ating pag ibig

Nagkukubli sa liwanag at kislap ng ating pag ibig

版权所有©四级英语单词   网站地图 陇ICP备2023000160号-4